Nasaan ka kaya ngayon? Sino kaya kasama mo? Nagsasaya ka ba diyan?
Haaay - - -
Sino ba namang niloloko ko -_-
Aaminin ko na, alam ko naman talaga lahat ng sagot sa mga tanong na 'to eh - lahat ng sino , nasaan , oo't hindi na nariyan sa taas ay sisiw lang kumbaga. Ngunit lahat naman ng magiging sagot ay kutsilyo kung makasakit sa damdamin kong manipis pa sa papel - kaya ayoko nang sagutin.
Di ko lang kase maintindihan Juan kung bakit ako nabibiktima sa kantang "Bakit nga ba mahal kita? Kahit di pinapansin ang damdamin ko?" dahil lang sa'yo.
Nakakainis isipin na inalay ko sa pag-iisip lang sa isang katulad mong "manhid" "walang pake" tsaka "meron ng iba" ang mga araw ko.
Nahihirapan akong huminga sa tuwing nakikita kong kasa-kasama mo ang babaeng nagpatibok niyang puso mo - na kahit kailan di ko ata mahahawakan o magagalaw man lang.
Di ko malaman kung ano ang dahilan at pilit ko pa ring sinasabi sa sarili kong okey lang :) sa tuwing nakikita kong masaya ka sa piling niya - As in sobraaang saya :(
Di ko maintindihan bakit nagtitiis akong makita yang pagmumukha mong wala naman ibang ginawa kundi gawin akong baliw, namumula, nagiging tanga at kung anu-ano pa. >: l
Ewan ko ba at bakit nagiging blangko,litaw sa ere,seryoso,walang kabuhay-buhay itong aking sarili sa tuwing nariyan ka na. Siguro - ayoko lang mapalapit ka pa sa akin. Ayokong tumawa kasabay mo sa mga kalokohan ko. Ayokong maging interesado ka sa mga gusto ko.Ayokong pag-aksayahan mo ang iyong mga oras sa pakikipag-usap sa akin dahil ayokong pakinggan mo ko. Ayoko. Ayoko.
: (
Bakit ba kase nahulog pa ako sa' yo-o-ooo. Ba't sa iyo pang hindi man lang ako pinapansin , binabaliwala lang ang aking kabaitan, di man lang ako matingnan, iniitsapwera lang ng ganun-ganon, . Di ka naman ata karapat-dapat sa akin pero:
Bakit sa iyo pa, Juan?
No comments:
Post a Comment